Filipiniana Book of the Week: My Muslim Friend

Iba’t iba ang pamamaraan ng bawat relihiyon sa pagdiriwang ng kanilang banal na araw. Sa mga kaibigan nating Muslim, katatapos lamang nilang ipagdiwang ang Eid ul-Fitr o paggunita sa katapusan ng Ramadan, kung saan ito ang panahon ng pagbibigayan, kasiyahan at pagsasama-sama.

Kung ating ihahalintulad ang kultura ng mga Kristiyano sa  mga Muslim, makikita natin ang malaking kaibahan.  Ngunit hindi ito dapat maging hadlang sa pakikipagkaibigan.  Ang Filipiniana Book of the Week natin ay isang patunay na sa gitna ng pagkakaiba ay maaring mabuo ang isang malalim na samahan.  Basahin ang My Muslim friend (Ang Kaibigan Kong Muslim) ni Mary Ann Ordinario-Floresta.

At tunghayan kung paano nila pinatunayan na maaring maging magkaibigan ang dalawang taong may magkaibang paniniwala at kultura.  Ang aklat na ito ay maaaring hiramin sa GS Filipiniana at EED Filipiniana.  Hanapin lamang ang call number na 

F Or2m (EED F Or2m).


Para sa mga guro: Ang aklat na ito ay maaaring gamitin sa inyong aralin.  Para sa mga suhestiyon kung paano magagamit ito sa klase, pumunta sa http://www.starteacher.ph/book-shelf/my-muslim-friend-ang-kaibigan-kong-muslim/.

Ang imahe ay mula sa
http://www.starteacher.ph/wp-content/images/2011/01/my-muslim-friend.jpg

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s