Filipiniana Books of the Week: Dress-me-Literary

Isa sa mga pinaka-aabangang okasyon sa Xavier School ay ang Literacy Month ng Kagawarang English kung saan tampok ang Dress Me  Literary. Isa itong taunang parada ng mga piling tauhan sa mga popular na aklat.  Sa panahong ito nagsasama-sama ang buong komunidad upang ipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabasa.

Ngayong taon ang Dress Me Literary ay gaganapin sa Biyernes, Oktubre 14, 2011. Handa na ba kayong mag-ibang anyo sa araw na ito?  Kung hindi pa, narito ang ilan sa mga pangunahing tauhan ng mga aklat sa Filipiniana Section:

1. KAS (Mula sa Ang Barumbadong Bus ni Rene O. Villanueva)

Si Kas ay isang kaskaserong bus na mahilig maghari-harian sa kalsada.  Wala siyang pakialam sa kapakanan ng iba. Ano kaya ang sasapitin ng ating mayabang na bida?

 

2. BASURA MONSTER (Mula sa Basura Monster ni Christine Babao)

Ang aklat na Basura Monster ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan.  Dulot ng pagkakalat ng baryo nina Buboy at Anna, nagdikit-dikit ang lahat ng basura upang lumikha ng isang nakakatakot na halimaw.  May magagawa kaya si Mayor?  Ano ang magiging kontribusyon nina Buboy at Anna?

3. INGGOLOK (Mula sa Si Inggolok at ang Planeta Pakaskas)

Kilala nyo ba si Inggolok?  Siya, kasama pa ng ibang Nguyamyam ay naninirahan sa isang planetang yari sa matamis — kendi, tsokolate, gatas, at sorbetes.  Ngunit unti-unti nang nauubos ang planeta nila? Ano kaya ang gagawin niya?

4. EMANG ENGKANTADA (Mula sa Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan)

Si Emang Engkantada ang tagapagbantay ng kalikasan ngunit sa pagdating ng talong haragan na sina Pat Kalat, Pol Putol at Paz Waldas tuluyan na kayang masira ang kapaligiran?  Kilalanin si Emang Engkantada at alamin ang kanyang kakayahang baguhin ang mundo.

5. XILEF (Mula sa Xilef ni Augie Rivera)

Nang buklatin ko ang libro, parang biglang gumalaw ang mga titik…at kahit anong gawin ko, hindi ko talaga sila mabasa!” Si Xilef o Felix ay isang batang naglalarawan ng isang taong may Dyslexia.  Ayon sa pabalat, ito ang kauna-unahang Filipinong kuwentong pambata na makakatulong sa pag-unawa at pagtanggap sa mga batang dyslexic.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s